Bilang bahagi ng taunang serbisyong handog ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang tuwing Undas, personal na nagpaabot si Mayor Niña Jose-Quiambao ng libreng lugaw sa mga bumibisita sa mga sementeryo ngayong Undas 2025, sa pamamagitan ng MSWDO.
Layunin ng aktibidad na magbigay-ginhawa at magpakita ng malasakit sa mga kapamilyang Bayambangueño na nag-alay ng oras upang gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Karamihan sa kanila’y bumiyahe at nagsipag-uwian pa galing Maynila at iba pang malalayong lugar.
Pinuri naman ng mga residente ang inisyatibang ito, na patunay umano ng malasakit ng lokal na pamahalaan sa bawat Bayambangueño, kahit sa gitna ng abala at siksikang komemorasyon. (RSO; AG, MSWDO)






