Mayor Niña, Nagpamahagi ng Birthday Treat

Tulad noong mga nakaraang taon, muling namahagi si Mayor Niña Jose-Quiambao ng libreng lunch para sa lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayambang, kasama rin ang mga miyembro ng TODA, LGBTQIA+ community, Public Market vendors, mga staff at pasyente ng Bayambang District Hospital (BDH), maging ang iba’t-ibang kumpanya.

Ito ay bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap ng Alkalde, gayundin ang kanyang pasasalamat sa suporta at pagmamahal ng bawat Bayambangueño sa lahat ng kanyang adhikain para sa ikabubuti ng bayan ng Bayambang.

Noong mga nakaraang araw naman, namahagi rin si Mayor Niña ng libreng ice cream mula sa Bani Delicious Ice Cream sa lahat ng mga barangay.

Kitang-kita naman ang tuwa sa mga nabahagian noong  August 27, 2024, at maging noong mga nakaraang araw, at lahat ay nagpasalamat at bumati ng, “Happy Birthday, Mayor Niña!” (SJGG/RSO; MTICAO)