Mayor Niña, Nagpamahagi ng ₱4.6M Earthquake PPE sa Lahat ng Elementary Students!

Sa kaniyang State of the Children’s Address 2025, siya ay Mayor Niña Jose-Quiambao nagpamahagi ng halagang ₱4.6 milyon na 25,000 earthquake personal protective equipment (PPE) para sa lahat ng elementary students sa Bayambang.

Tinatayang mahigit 20,000 mag-aaral mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan ang makatatanggap ng hard hat, flashlight, at whistle, na pawang mga pangunahing gamit sa oras ng lindol o iba pang emerhensiya.

Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang kahandaan at kamalayan ng kabataang Bayambangueño pagdating sa kaligtasan, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lokal tungo sa mas ligtas, matatag, at handang komunidad. (WMC/RSO; AG, MLO)