Mayor Niña, Nagkaloob ng Motorsiklo sa BFP-Bayambang mula sa Sariling Pondo

Isang bagong motorsiklo ang ipinagkaloob ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa Bureau of Fire Protection (BFP) Bayambang noong Nobyembre 3 sa Events Center matapos ang flag ceremony, upang matugunan ang pangangailangan ng mga bombero sa mabilisang pagtugon sa mga sakuna at sunog.

Ang donasyon ay mula sa kanyang sariling bulsa at bahagi ng kanyang patuloy na suporta sa kaligtasan ng komunidad.

Sa turnover ceremony tinanggap ni FInsp. Carol Joy Palchan ang donasyon ng may taos-pusong pasasalamat.

Aniya, “Malaking tulong ang motorcycle na ito para mas mapabilis ang aming pagresponde, lalo na sa mga liblib na barangay. Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mayor Niña sa kanyang pagmamalasakit.”

Ang nasabing motor ay gagamitin para sa pagmo-monitor at pag-iikot sa mga barangay para mag-information drive. (VMF/RSO; Rob Cayabyab, AG)