Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng seguridad sa mga paaralan, nagkaloob si Mayor Mary Clare Judith Phyllis “Niña” Jose-Quiambao ng mga handheld metal detector sa Bayambang Municipal Police Station at Task Force Disiplina (TFD).
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na isinusulong ang mga hakbang na naglalayong mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa pagkatuto sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga programa at kagamitan para sa seguridad ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan.
Tinanggap ng Bayambang Municipal Police Station at TFD ang mga handheld metal detector na gagamitin sa pagpapatupad ng mga security inspection at iba pang hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga paaralan sa Bayambang.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtitibay ang hangarin ng lokal na pamahalaan na matiyak ang isang ligtas at maayos na kapaligiran kung saan ang bawat mag-aaral ay maaaring matuto nang may kapanatagan. (LFA/RSO; RobC, MP)


