Mayor Niña, Naghatid ng Saya sa International PWD Day para sa mga SPED Learner

Sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang LGU ay nagbigay ng kasiyahan at ngiti sa mga mag-aaral ng SPED Bayambang Central School, SPED Buayaen Central School, at STAC Bayambang bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day of Persons with Disability (PWD) ngayong Disyembre 16.

Sa koordinasyon ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), nagkaroon ng isang espesyal na aktibidad sa Blue Sky Theme Park kung saan nagkaloob ng libreng entrance at rides para sa mga SPED learners, kasama ang kanilang mga guardians.

Lubos ang pasasalamat at kasiyahan ng mga magulang dahil sa libreng entrance fee at rides na tunay na nagpasaya sa kanilang mga anak.

Makikita ang saya at tuwa sa mga mukha ng mga bata habang nararanasan nila ang iba’t ibang atraksyon sa theme park—isang karanasang bihira ngunit makabuluhan para sa kanila.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng malasakit at sa pagsusulong ng inklusibong komunidad, lalo na para sa mga kabataang may kapansanan.

Pinatunayan muli ng pamahalaang bayan na sa Bayambang, walang naiiwan, at ang bawat isa ay may puwang na maranasan ang saya at pagkakapantay-pantay. (JRA; JRA)