Mayor Niña, Naghatid ng Agarang Tulong sa mga Nasunugang Stall Owners

Agarang nagpamahagi ng tulong si Mayor Niña sa mga apektadong stall owners sa pamamagitan ng MSWDO, noong  ika-4 ng Mayo.

Sinigurado ng MSWDO na mahahatiran ng tulong ang mga naapektuhan ng sunog kagabi. Sila ay nagpamahagi ng 5 kilong bigas at food packs na naglalaman ng mga delata at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Ang buong lokal na pamahalaan naman ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya para masiguro ang agarang tulong at rehabilitasyon ng mga naapektuhang negosyo upang makapagsimula muli.