Isang surpresa ang inihandog ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga senior citizens at persons with disability na lumahok sa ginanap na “Nutri-Bingo” nutrition and health campaign activity ng lokal na pamahalaan, noong ika-28 ng Hulyo, 2025.
Bilang pagkilala sa kanilang suporta at pakikiisa sa adbokasiya para sa mas malusog na pamumuhay, nagbigay si Mayor Niña ang tig-10 kilong bigas sa bawat participant.
Ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng LGU-Bayambang na naglalayong itaguyod ang wastong nutrisyon, kalusugan, at kabuhayan para sa lahat ng sektor ng lipunan — patunay na sa Bayambang, ang bawat isa ay mahalaga. (KB/RSO; AG)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka



