Isang bagong responder vehicle na pinondohan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) ang ipinagkaloob ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa Bureau of Fire Protection (BFP) para mapahusay ang kanilang pagtugon sa mga sunog at iba pang sitwasyong pang-emergency.
Itinurn-over ang susi ng responder pagkatapos flag ceremony ngayong araw, January 19, 2026, sa Balon Bayambang Events Center.
“Hindi lamang ito isang sasakyan, kundi ito ay simbolo rin ng agarang aksyon, mabilis na pagresponde, at buhay na maililigtas.” (VMF/RSO; Rob Cayabyab)

