Bilang karagdagang serbisyo para sa mga mamamayang bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, naghandog si Mayor Niña Jose-Quiambao ng mga libreng portable shades o canopies sa mga sementeryo ng Bayambang ngayong Undas 2025, dahil sa kagustuhan nitong maprotektahan ang mga bisita laban sa init ng araw at posibleng pag-ulan, habang maayos nilang inaalala ang kanilang mga mahal sa buhay.
Pinuri ng mga residente ang hakbang na ito ng pamahalaang lokal, na muling nagpamalas ng malasakit at taos-pusong pagseserbisyo sa publiko sa panahon ng Undas. (RSO; MDRRMO/Oplan Kaluluwa members, AG)




