Tumanggap ng tig-P3,000 ang mga 77 Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ng Bayambang mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao bilang regalo nito na magsisilbing karagdagang pondong gagamitin sa pagdiriwang ng SK Night ng bawat barangay kasabay ng kani-kanilang kapistahan.
Ito ay nagpapakita kung gaano kasuportado ng alkalde ang mga gawain ng mga kabataan na magbibigay daan para sa kanilang pagkakaisa at pakikiisa sa mga proyekto at programa para sa progreso ng komunidad.
Ang halagang ito na umabot sa 231,000 pesos ay ipinamahagi ng Mayor’s Office noong April 29, 2024. (ni Sheina Mae U. Gravidez/RSO; larawan: Ace Gloria)