Dahil isa siyang pet lover at dahil sa kanyang concern lalo na sa mga kaawa-awang stray animals, inatasan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Municipal Agriculture Office (MAO) noong Hulyo 15, 2025, upang magbigay ng dog food at cat food para sa isang pribadong animal shelter sa Brgy. Pantol na pinamamahalaan ni Aidielyn Pagdilao.
Si Pagdilao ang nasa likod ng RescuedPawsPH, na itinatag ng kanyang pumanaw ng kabiyak, upang magrescue ng stray dogs at stray cats o pagala-galang alagang aso at pusa at magbigay ng tahanang mangangalaga sa mga ito.
Ang MAO ay nakapaghatid ng 10 20-kilo bags ng cat food (for kitten and adults) at 10 20-kilo bags ng dog food (for puppies and adults) sa naturang animal shelter.
Sa kasalukuyan, si Pagdilao ay may inaalagaang 31 na pusa at 12 na aso na pawang nirescue niya o ipinagkatiwala ng mga kapitbahay sa kanyang animal shelter. (RSO; AG)



