Si Mayor Niña ay nagpahatid ng personal na tulong pinansiyal sa isang kababayan natin na taga-Sapang noong September 24, 2025.
Sa isang pribadong ospital namalagi ang nasabing ginang kasama ang kaniyang anak ng ilang araw, at dahil sa laki ng halaga ng naipong bayarin dito, agad na nag-abot ng tulong pinansyal si Mayor Niña sa kanila.
Dahil dito, lubos na nagpapasalamat ang ginang at kanyang pamilya sa natanggap na tulong.
Samantala, sa nalalapit na pagbubukas ng Julius K Quiambao Medical and Wellness Center, inaasahang maiiwasan na ang ganitong uri ng suliranin para sa bawat pamilyang Bayambangueño.