Naghatid ng panibagong saya at surpresa sa mga kawani ng Munisipyo si Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng isang raffle matapos ang unang flag-raising ceremony sa pagsalubong ng bagong taon ngayong araw, January 5, 2026.
Ipinamahagi ang iba’t ibang kapaki-pakinabang na gamit sa bahay, kabilang ang 107 automatic umbrellas, 100 tumblers, 150 bath towels, 150 blankets, 150 glassware, 50 electric kettles, 50 electric meat grinders, 50 flat irons, 50 butane stoves, 20 single-burner stoves, 20 blenders, 20 electric fans, at 20 rice cookers.
Pinakatampok sa mga premyo ang washing machine na napanalunan ni John Carlo Sarmiento ng RHU I at isang smart TV na napunta kay Mamerto Perez ng RHU I.
Ayon sa pamunuan, ang inisyatibong ito sa pagbubukas ng bagong taon ay isang pasasalamat at pagpapahalaga sa sipag at dedikasyon ng mga lingkod-bayan, at paalala na ang taon ay sisimulan nang may saya, malasakit, at pagkakaisa sa serbisyo publiko. (WMC/RSO; HRMO)




