Mayor Niña, May Surpresang Handog sa mga Empleyado ng Munisipyo

Isang surpresa ang inihandog ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga empleyado ng munisipyo ngayong araw, ika-15 ng Disyembre, matapos magpamahagi ng mga spaghetti pack bilang pamaskong handog sa bawat empleyado ng LGU.

Ito ay bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na serbisyo, dedikasyon, at sakripisyo sa paglilingkod sa bayan.

Mula nang maupo noong 2016, nakaugalian na nina SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Niña Jose-Quiambao ang magbigay ng ng personal na regalo para sa mga empleyado ng LGU pagsapit ng Kapaskuhan. (KB/RSO; WMC)