Isang espesyal na Halloween treat ang ibinahagi ni Mayor Niña Jose-Quiambao kasama ang kanyang mga anak para sa mga child development learners ng Bayambang sa pamamagitan ng proyektong “Cutie Plushie for a Cause.”
Ang proyektong ito ay may layuning makatulong sa laban ni baby Kiara, isang batang kasalukuyang sumasailalim sa gamutan para sa ventricular septal defect (VSD) o butas sa puso.
Ang bawat child development learner ay makatatanggap ng tig-isang plushie, na nagsisilbing simbolo ng pagmamahal, malasakit, at pagkakaisa. (KB/RSO; Rob Cayabyab)



