Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw, Agosto 26, 2025, muling nagpakita pagmamahal si Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng sorbetes sa 77 na barangay ng bayan.
Ito ay taunang tradisyon na ng alkalde simula nang maupo bilang pasasalamat at pagbibigay-ngiti sa mga residente.
Ang sorbetes ay produktong nagmula sa Bani Delicious Ice Cream, isang homegrown na negosyong direktang nakikipagtulungan sa mga magsasaka at maliliit na entrepreneur sa bayan.
Hanggang bukas, Agosto 27, 2025, ay magpapatuloy ang pamamahagi sa iba pang barangay upang masiguro na walang barangay ang maiiwan sa selebrasyong ito.
Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa pagbibigay saya ng alkalde sa kanyang naturang kaarawan, kasabay ng pagbati ng isang maligayang kaarawan sa ilaw at ina ng bayan. (VMF/RSO; James Aldrin Bacani/MTICAO)







