Mayor Niña, May Handog na Grocery Packages sa mga Senior Citizen Association Presidents ng Bayambang

Naghandog si Mayor Niña Jose-Quiambao ng mga grocery packages mula sa sariling bulsa para sa mga senior citizen association president ng Bayambang, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.

Ang kanyang regalong grocery package ay malugod na tinaggap ng mga opisyal ng Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) at Federation of Senior Citizens Association of Bayambang (FSCAB). (Khim Ballesteros/RSO; AG)