Noong Oktubre 27, matagumpay na idinipensa ni Mayor Niña ang dalawang ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan sa Kapitolyo.
Una ay ang Municipal Ordinance No. 9, Series of 2025, na nagbibigay pahintulot at nagraratipika sa loan agreementsa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang at ng Development Bank of the Philippines sa halagang ₱308,000,000.00.
Ang pondong ito ay gagamitin para sa pagdidisenyo at pagpapatayo ng Bayambang Polytechnic College (BPC) at sa pagbili ng lupang pagtatayuan nito — isang makabuluhang proyekto na magpapalawak sa oportunidad ng teknikal at mataas na edukasyon para sa ating mga kababayan at sa mga susunod na henerasyon.
Samantala, ang Municipal Ordinance No. 11, Series of 2025, ay nagbibigay din ng pahintulot at kumpirmasyon sa mga termino at kondisyon ng hiwalay na loan agreement sa Land Bank of the Philippines sa halagang ₱129,000,000.00. Ang pondong ito ay nakalaan para sa pagbili ng isang bahagi ng lupa at mga kaugnay nitong pag-aari, alinsunod sa isang judicially approved compromise agreement, at nakapaloob sa ating Annual/Supplemental Investment Program para sa CY 2025.
Ang mga ordinansang ito ay patunay ng ating pagtutok sa pangmatagalang pag-unlad, responsableng pamamahala sa pananalapi, at pagbibigay-prayoridad sa edukasyon at imprastruktura. (RSO; MLO)



