Mainit na tinanggap ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan na sumasailalim sa kanilang Work Immersion Program kasama ang mga staff ng PESO-Bayambang sa ilalim ni SLEO Gernalyn J. Santos.
Kanya ring pinangunahan ang isang orientation activity upang ipakilala ang mandato at mga gawain ng LGU.
Ang 104 na mga estudyanteng ito ay maglalagi sa iba’t-ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa loob ng sampung araw at susubok sa paggawa ng mga serbisyong hatid ng munisipyo.
Ang programa ay nakatutulong sa mga estudyante upang mahasa ang kanilang kasanayan at maihanda sila bilang mga responsableng manggagawa sa hinaharap. (RSO; Rob Cayabyab)




