Nagpatuloy si Mayor Niña Jose-Quiambao sa kanyang personal na pagdalo sa “Buklat Aklat” project, nang kanyang dalhin ito sa mga mag-aaral ng Bongato East Elementary School.
Katuwang ang LYDO, SK Federation, Municipal Library, at BPRAT, ang aktibidad ay muling naghandog ng mga aklat, kuwentong pambata, at babasahing nagbibigay-inspirasyon upang palakasin ang interes ng mga bata sa pagbabasa at literasiya.
Sa book reading session, personal na nagbahagi si Mayor Niña ng kuwento sa mga mag-aaral, dala ang mensaheng walang batang dapat maiwan sa pag-abot ng pangarap.
Kaugnay ng diwa ng Kapaskuhan, namahagi rin ang pamahalaan ng coloring books at krayola na naghatid ng tuwa sa mga bata.
Nagbigay din si Mayor Niña ng nakapasarap na Bani Delicious Ice Cream at Jollibee bilang snacks.
Naroon din ang Team Gabriel at Bayambang Matikas Eagles Club para naman magpamahagi ng masustansiyang hot meals.
Sa mga ganitong proyekto, patuloy na ipinapakita ng pamahalaang bayan ng Bayambang na ang pagpapahalaga sa kinabukasan at yaman ng bayan: ang mga kabataan. (KB/RSO; MLO)








