Dahil sa kanyang mga inisyatiba sa energy conservation, napili bilang summit presenter si Mayor Niña Jose-Quiambao sa (NCR at Northen Luzon leg ng 2nd Government Energy Management Program Summit na ginanap sa Lafayette Luxury Suites, Baguio City noong Setyembre 30, 2025.
Siya ay nirepresenta ni Engr. Rudyfer P. Macaranas ng Engineering Office bilang kasalukuyang Energy Efficiency and Conservation Officer ng LGU-Bayambang.
Ang summit na inorganisa ng Department of Energy ay may temang, “Powering Local Action: Strenghtening LEECP for a Sustainable Future of Local Government Units.”
Sa kanyang presentation, idinetalye ni Engr. Macaranas ang mga best practices ng bayan ng Bayambang pagdating sa pagtitipid sa enerhiya gamit ang iba’t ibang istratehiya gaya ng solar lights, solar cells, pagconvert sa inverter equipment, at malawakang pagtitipid sa paggamit ng ilaw at aircon sa mga tanggapan, hanggang sa nakaplanong isang malaking solar farm.
Ayon kay Engr. Macaranas, nakitaan ng mga taga-DOE at iba’t ibang kalahok na LGU ang kahusayan ng mga pamamaraan ng LGU-Bayambang pagdating sa energy efficiency at energy conservation. (RSO; RPM/MEO)








