Noong February 18, naimbitahang guest speaker si Mayor Niña sa Division Schools Press Conference (DSPC) ng DepEd Schools Division Office 1 Pangasinan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya na nasa mabubuting kamay ng mga kabataan ang kinabukasan, at ang pagsusulat nang mga kabataang manunulat na may tapang at integridad ang pinakamahalagang ambag nila sa bayan at bansa.
Hinikayat niya ang mga kabataang mamamahayag na patuloy na hanapin ang katotohanan at huwag magpapatinag, sapagkat ang kanilang mga balita ngayon ang huhubog sa kasaysayan. (RSO; RobC)






