Mayor Niña, Dumalo sa College Financial Payout

Noong March 12, 2024, pinangunahan ng Local School Board ang payout activity para sa financial assistance ng isang libong kabataang Bayambangueño na pawang mag-aaral ng Pangasinan State University.

Ang payout ay ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park sa tulong ng Treasury Office.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Mayor Niña Jose-Quiambao upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe sa mga kabataan.

Ayon kay Local School Board Executive Director Rolando Gloria may kabuuang P1,000,000 mula sa Special Education Fund ang ipinamahagi sa 1,000 estudyanteng naka-enroll sa PSU-Bayambang na naging kwalipikado matapos ang screening ng LSB staff. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)