Mayor Niña, Dinoble ang Start-Up Business Grant ng BPC Student-Agripreneur!

Bilang pagkilala sa husay, dedikasyon, pagkamalikhain, at inisyatibong ipinamalas ng kabataang Bayambangueño, dinoble ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang ₱80,000 start-up business grant na natanggap ni Rowell Alcantara, second-year Agribusiness student ng Bayambang Polytechnic College (BPC), mula sa Young Farmer’s Challenge na ginanap noong Setyembre 26, 2025, sa Sta. Barbara, Pangasinan.

‎Sa ginanap na pagkilala kay Alcantara nitong Oktubre 27, kasama ang kanyang coach na si Gng. Bethel Charis Elevazo, Program Coordinator ng Agribusiness Department, ipinagkaloob ang Certificate of Recognition sa presensya nina Mayor Niña, VM Ian Camille Sabangan, SB Members, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at BPC President, Dr. Rafael Saygo.

‎Ang tagumpay ni Alcantara ay sumasalamin sa layunin ng administrasyong Quiambao-Sabangan na linangin ang kabataang Bayambangueño bilang mga makabagong lider at agripreneur.

‎Ang ganitong uri ng suporta ay patunay na ang pagsusumikap at inobasyon ng kabataan sa larangan ng agrikultura ay may puwang at halaga sa patuloy na pag-unlad ng bayan. (RGDS/RSO; Rob Cayabyab)