Sa pulong ng Local School Board na ginanap sa Mayor’s Conference Room noong November 28, 2024, sinang-ayunan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pagdagdag ng adisyunal na pondo sa nauna nang P528,000 budget mula sa Special Education Fund para sa mga atletang Bayambangueño, partikular na para sa Division Meet 2025.
Ito ay kanyang pinadagdagan pa ng P200,000 mula sa budget ng LGU at adisyunal na P410,000 para naman sa uniporme ng mga atleta sa pamamagitan ng Cultural Affairs Fund ng Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office. (RSO; LSB)