Pormal na sinimulan ng pamahalaang bayan ng Bayambang sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month sa pamamagitan ng isang kick-off ceremony kasabay ng regular na flag-raising ceremony noong Nobyembre 3, sa Balon Bayambang Events Center.
Ang taunang selebrasyon ay may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!” na layong paigtingin ang adbokasiya laban sa online sexual abuse and exploitation of children at sa cyberbullying, kasabay ng pagsusulong ng karapatan at kaligtasan ng mga kabataan.
Naging tampok sa programa ang pagiging host at news anchor sa BayambangueNews ng mga Little Mr. and Ms. Bayambang winners, ang masiglang dance energizer ng mga CDC workers at learners, at ang sabayang pagbigkas ng Panatang Makabata.
Bilang bahagi ng buwanang pagdiriwang, tampok ang iba’t ibang makabuluhang aktibidad gaya ng Breastfeeding and Complementary Feeding Forum with Kids’ Games, Orientation on Adoption and Alternative Child Care, Buklat Aklat, Children’s Festival, at State of Children’s Address (SOCA) ni Mayor Niña Jose-Quiambao, at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, muling pinagtitibay ng pamahalaang bayan ng Bayambang ang pangako nitong pangalagaan at ipaglaban ang kapakanan ng bawat bata sapagkat sa kanila nakasalalay ang kinabukasan ng isang mas maunlad at makataong lipunan. (RGDS/RSO; Rob Cayabyab)



