Mayor Niña at SATOM, Pinangunahan ang Unang ExeCom Meeting; mga Programa at Revenue Strategies ng Bayan, Inilahad

Pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, ang unang Executive Committee (ExeCom) Meeting ng ehekutibong sangay ng lokal na pamahalaan ngayong taon, kung saan naging sentro ng talakayan ang mahahalagang usapin kaugnay ng mga programa, proyekto, at revenue strategies ng pamahalaang bayan.

Sa pulong na ginanap noong Pebrero 18, 2026 sa Mayor’s Conference Room, iniulat ang mga update sa hiring ng mga key positions ng pamahalaang bayan, kabilang ang Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC), Municipal Treasurer, at Senior Accounting Officer (SAO). Tinalakay rin ang plano para sa budget preparation para sa taong 2027, gayundin ang kasalukuyang estado ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) at Zoning Ordinance preparation.

Kasama sa mga natalakay ang updates sa Enhanced Community Service Card, ang panukalang pagrerepaso ng Local Investment Incentives Code at ng LEDIPO Center, pati na ang iba’t ibang revenue-generating activities ng LGU. Inilahad din ang consolidated financial statement, kasabay ng mga diskusyon ukol sa income-generating initiatives at mga estratehiya upang mapataas ang utilization rates para sa mas matatag at sustenableng revenue growth.

Naging parte rin ng pulong ang procurement ng lupang pinondohan ng Department of Agriculture (DA), ang operational updates at mga susunod na hakbang para sa Cold Storage Facility, at ang progreso ng PRDP Scale-Up Farm-to-Market Road Project mula Pantol hanggang San Gabriel II.

Bukod dito, napag-usapan ang mga updates ukol sa Septage Treatment Plan project at ang mga panukalang pagbabago sa Local Revenue Code at Market Code.

Bilang pagtatapos, ibinahagi rin ang mga pinakabagong updates tungkol sa PhilHealth at Konsulta Program sa bayan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan. (RGDS/RSO; RobC)