Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Office of the Mayor (SATOM), Dr. Cezar T. Quiambao, ang Executive Committee Meeting noong Mayo 19, 2025, sa Mayor’s Conference Room (MCR) upang talakayin ang kalagayan ng mga proyektong may kaugnayan sa imprastraktura, transportasyon, kalikasan, at ekonomiya.
Binigyang-diin din ang mga hakbang para mapabuti ang serbisyo publiko gaya ng mas mabilis na pagproseso ng business permits, pag-usad ng Central Bus Terminal upang tugunan ang pangangailangan sa transportasyon, waste manangement, at mga isyu sa tricycle franchise.
Sinuri rin kung natupad ang mga target at deadline mula sa huling pulong, at tinalakay ang mas epektibong koordinasyon ng mga ahensya para sa mas mabilis na pagpapatupad ng mga plano. (RGDS/RSO; JMB)