Mayor Niña at SATOM, Muling Pinulong ang Lahat ng Agency at Department Head sa ManCom Meeting

Muling pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, ang lahat ng local government agency at department head upang talakayin ang estado ng lahat ng naglalakihang proyekto sa bayan at mga barangay, ayusin ang mga bagong umusbong na isyu, repasuhin ang lahat ng mga naging desisyon sa mga ito, at pagplanuhan ang mga nararapat gawin sa lalong madaling panahon.

Ginanap ang Executive Management Committee meeting sa Mayor’s Conference Room noong May 27, 2025. (RSO; AG)