Mayor Niña at SATOM CTQ, Pinangunahan ang Ikalawang ManCom Meeting ng Taon; Mga Programa at Direksyon para sa Ikalawang Quarter, Tinalakay

Pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Office of the Mayor (SATOM), Dr. Cezar T. Quiambao, ang ikalawang Management Committee (ManCom) Meeting ng taon, kung saan tinalakay at nirepaso ang mga nakaraang usapin at mga susunod na hakbang sa pagsisimula ng ikalawang quarter ng 2026, nitong Abril 23, 2026 sa Balon Bayambang Events Center.

Kasama sa pulong sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Atty. Charlemagne Papio, kinatawan ni Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr., SEE Action Desk Consultant Erlinda Alvarez, at Municipal Planning and Development Coordinator Ricky V. Bulalakaw, at lahat ng iba pang department of unit head ng LGU.

Sa pagpupulong, nagpresenta ang iba’t ibang departamento at tanggapan ng kanilang mga accomplishment sa nagdaang tatlong buwan, kabilang ang mga hamong naranasan sa implementasyon ng mga programa at ang mga hakbang na isinagawa upang matugunan ang mga ito.

Kabilang sa mga pangunahing usaping tinalakay ang upgraded Bayambang Community Service Card, ang pangangailangan ng master plan para sa dating Bayambang Central School, at ang pagpapaigting ng citation at ticketing strategy ng bayan.

Inilahad din ng bawat tanggapan ang kani-kanilang mga plano at direksyon para sa ikalawang quarter, kasama ang mga estratehiya upang mapahusay ang kalidad ng serbisyo, mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng mga opisina, at mas epektibong matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang ManCom Meeting ay isang regular na pagtitipon ng mga tanggapan sa ilalim ng ehekutibo at lehislatibong sangay na nagsisilbing plataporma para sa bukas na talakayan, masusing pagtatasa ng performance, at pagtiyak na ang mga programa at layunin ng bawat departamento ay nakaangkla sa pangkalahatang direksyon ng kasalukuyang administrasyon. (RGDS/RSO; ALC)