Matapos maluklok sa ikalawang pagkakataon bilang Presidente ng Philippine Red Cross San Carlos Branch Council si Mayor Niña, ang kaniyang kinatawan na si Bb. Sheina Mae Gravidez ng MTICAO ay nanumpa kasama ang iba pang miyembro ng konseho, sa 2024 PRC Pangasinan Chapter Assembly na ginanap sa Gia’s Farm and Events Place, Urdaneta City, Pangasinan noong Nobyembre 27, 2024.
Bukod pa rito, ginanap din sa naturang pagtitipon ang eleksyon ng mga bagong Board of Directors (BOD) ng organisasyon, kung saan ilan sa mga napabilang sa listahan ng sampung newly elected BODs sina Pangasinan First Lady Maan Guico, Vice-Governor Mark Ronald Lambino, 3rd District Board Member Sheila Baniqued, 5th District Board Member Nicholi Jan Louie Sison, at iba pa.
Isang mainit na pagbati sa mga bagong lider ng PRC-Pangasinan Chapter mula sa LGU-Bayambang! (Shin G./RSO; ALC)