Walang patid na pagtugon sa mga nasalanta ng Bagyong Uwan, agad na nagpaabot ng foodpacks si Mayor Niña Jose Quiambao sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Prayoridad ng operasyon ang mga pamilyang nasa evacuation centers. Sa tulong ng mga barangay kapitan at volunteers, naipamahagi ang mga ayuda nang mabilis at maayos, bilang patunay ng tunay na bayanihan sa gitna ng sakuna.
Habang patuloy na binabantayan ng lokal na pamahalaan ang panahon, tiniyak ng MSWDO na nakahanda na rin ang karagdagang food packs at emergency supplies. Hinikayat naman ni Mayor Niña ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.(VMF/KB;MSWDO)








