Sa tulong ni Senator Bong Go at ng Municipal Cooperative Development Office, ang Masagana SLP Producers Cooperative ay tumanggap ng P50,000 cash assistance mula sa Cooperative Development Authority bilang parte ng programa ng CDA na tulungan ang mga lokal na kooperatiba.
Pinangunahan ni Ann Marie L. Castaneda, Chairman ng kooperatiba, ang grupo sa programang ito, na parte ng “Business Continuity Management Orientation & Awarding of Financial Assistance” ng CDA sa ilalim ng ‘Malasakit sa Kooperatiba’ program sa inisyatibo ni Senator Bong Go. Ito ay ginanap sa Rosales Stadium, Rosales, Pangasinan, ngayong araw, May 10, 2024, kung saan naroon din si Cooperative Development Secretary USec. Joseph Enchabo