Mas Pinalakas na Bali-Balin Bayambang 3.0, Inilunsad para sa Malinis at Disiplinadong Bayan

Pinag-ibayong muli ng LGU-Bayambang ang kampanya para sa kalinisan at kaayusan, nang ilunsad nito ang mas pinalakas na Bali-Balin Bayambang 3.0 nitong Agosto 18, 2025 sa Balon Bayambang Events Center, sa kagustuhang iangat pa ang waste management at mas paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas pangkalinisan.

‎Kasama sa bagong bersyon ang dagdag na serbisyo para mas marami at mas malalayong barangay, katulong ang grupong Asez Wao pati na rin ang mas pinatibay na operasyon ng Basura Patrollers na tututok sa pagreport at pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag sa Anti-Dugyot Law at iba pang ordinansa.

‎Mas lalo ring palalawakin ang information, education, and communication campaign sa mga barangay, paaralan, at pribadong establisimyento upang maturuan ang publiko ng tamang waste segregation at recycling.

‎Hinihikayat ng LGU ang lahat ng Bayambangueño, mula pamilya at negosyo hanggang sa mga organisasyon, na makiisa upang gawing huwaran sa kalinisan at disiplina ang buong bayan. (RGDS/RSO; AG)