Mas Modernong HR System, Ilulunsad sa LGU sa Pamamagitan ng IHRIS

Ngasagawa ang ICT Office, ngayong araw, ika-25 ng Mayo 2026 ng isang orientation para sa Modernized Document Management System (MDMS) at Integrated Human Resource Information System (IHRIS) upang maging

pamilyar ang mga empleyado sa mga features at tamang paggamit ng mga makabagong sistema, na makasisiguro sa mas mabilis at epektibong operasyon sa loob ng LGU.

Kasalukuyan na ring nire-rehistro ng ICT Office ang lahat ng empleyado sa IHRIS bilang bahagi ng digitalization program ng LGU. Layunin nitong mapabilis at ma-automate ang mga proseso sa human resource management gamit ang database-driven decision making at integrated PRIME-HRM processes. (KBP/SMGC;AG)