Market Stallholders, Kinonsulta ukol sa Iba’t Ibang Isyu

Kinonsulta ng LGU, sa pangunguna nina Mayor Niña JoseQuiambao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao at ng Special Economic Enterprise ang mga public market stallholders kaugnay ng mga rekomendasyon ng Commission on Audit upang maging compliant ang LGU sa auditing process ng gobyerno.

Kanilang pinag-usapan ang mga penalties para sa mga late payments ng stall rentals, ang detalye ng kontrata ng mga stallholders, at iba pang concerns sa public market.

Ang konsultasyon ay ginanap noong  September 18, 2024, sa Balon Bayambang Events Center. (RSO; AG)