Ang lahat ng stallholder sa Bayambang Public Market ay inanyayahan ng Office of the Special Economic Enterprise, sa ilalim ni Atty. Justine Alvarez, upang dumalo sa isang mahalagang pagpupulong o dayalogo kasama ang Bureau of Fire and Protection (BFP) at ang Philippine National Police (PNP) noong December 3, 2024 sa Block III-Quadricentennial Building (3rd floor ng New Building Phase II).
Dumalo din sa nasabing pulong ang may mga business establishment mula sa pribadong sektor, maging ang mga may-ari ng buiness enterprise sa mga malalayong barangay.
Sa pulong na ito ay ipinakilala ng BFP, sa ilalim ni Municipal Fire Marshal Divina S. Cardona, ang Fire Safety Inspection System (FSIS) at online application para sa Fire Safety Evaluation Clearance (FSIC) para sa mga may-ari ng puwesto upang magkaroon ng kaligtasan sa sunog ang kanilang negosyo.
Ipaliwanag naman ni PLtCol. Lawrence Keith D. Calub, OIC ng Bayambang Municipal Police Station, ang ordinansa na naglalayon na ang lahat ng business establishment sa bayan ng Bayambang ay magkaroon ng sariling closed-circuit television o CCTV.
Ang usapin patungkol sa business permit sa Public Market ay tinalakay naman ni Business Processing and Licensing Officer-Designate Mary Grace C. Agas. (RSO; SEE)