MAO Staff at Farmer Leaders, Dumalo sa National Biotechnology Week

Tatlong staff ng Municipal Agriculture Office (MAO) at 15 farmer leaders ang dumalo sa National Biotechnology Week noong November 28, 2024, sa University of the Philippines, Los Baños, Laguna.

Ang National Biotechnology Week ay nagsusulong ng ligtas at responsableng paggamit ng modernong biotechnology upang ma-achieve ang food security, at isiniselebra ng buong bansa ayon sa Presidential Proclamation No. 1414 s. 2007.

Isa sa mga major activities na nakapaloob sa National Biotechnology Week ay isang guided tour sa iba’t ibang research centers ng UPLB.

Ito ay ang Science and Technology (S&T) Park: Technology Transfer and Business Development Office (TTBDO), National Crop Protection Center (NCPC), National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH), Organic Agriculture Research, Development, Extension Center (OARDEC) at Institute of Plant Breeding (IPB).

Ang guided tour sa iba’t ibang research centers ay nagbigay ng panibagong kaalaman sa modernong agrikultura sa mga sumama rito na puwede nilang magamit sa kanilang pang araw-araw na pagsasaka. (Alfonso de Vera/RSO; MAO)