Ang Municipal Agriculture Office ay nagsagawa ng isang pagsasanay tungkol sa mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng mais sa pamamagitan ng pagtutok sa paglaban sa fall armyworm upang matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang ani.
Ang training ay ginanap sa Municipal Agriculture Office Conference Room, Legislative Building noong ika-28 hanggang 29 ng Oktubre 2025.
Dumalo sa pagsasanay ang mga 35 na magsasakang Bayambangueño, partikular na ang mga nagtatanim ng mais.
Tinalakay ni PCIC Senior Clerk Jaime Gomez ang Crop Insurance Programs and Policies.
Ipinaliwanag ni RCPC Senior Science Research Specialist Raquel Lopez ang Biological Control Agents for Pest Management.
Nakatuon naman ang diskusyon ni RCPC Science Research Technician I Joseph Villanueva sa Common Pests and Diseases of Corn and Their Management at Integrated Pest Management – Prevention, Avoidance, Monitoring and Suppression for Fall Army Worm.
Nagbigay-kaalaman naman si ATI-RTC 1 Training Specialist II/Corn Focal Person Jordan Gabur tungkol sa Integrated Crop Management on Corn Production at Agro-Ecosystem Analysis and Its Format.
Ang ikalawang araw ng pagsasanay ay iginugol sa isang field exercises at data-gathering sa Brgy. Amancosiling Norte Covered Court.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, ang pagsasanay na ito ay bahagi ng kanilang programa upang suportahan ang sektor ng agrikultura sa Bayambang, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at kasanayan ang mga magsasaka upang sila ay maging mas produktibo at kumikita.
“Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang kaalaman at teknolohiya, mas mapapalakas natin ang ating mga magsasaka at mas mapapaunlad natin ang sektor ng agrikultura sa ating bayan,” ani Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa kanyang pambungad na mensahe. (Charlaine T. Melendez/VMF/RSO; Karl T. Alvarez, MAO)


















