Noong Setyembre 12, 2025, ang Municipal Agriculture Office ay nag-organisa ng isang training ukol sa organic fertilizer, organic pesticides at good agriculture manufacturing.
Ito ay dinaluhan ng 30 farmer-participants ng Brgy. Managos.
Nagsilbing resource speaker sina Regional Organic Coordinator, Dr. Marvin G. Quilates, at Senior Science Research Specialist Racquel U. Lopez.
Sa training na ito, naipakilala sa mga farmers na mayroong organikong paraan upang ang kanilang tanim ay mapayabong at magkaroon ng masaganang ani nang hindi isinasakripisyo ang perang gagastusin sa pagbili ng mahal na mga pestisidyo at pataba, at ang kalusugan nang bumibili at kumakain ng kanilang mga prudukto.
Napili ang Brgy. Managos na pinag-ganapan ng naturang training dahil isa ito sa mga barangay na nakatanggap ng composting facility for biodegradable waste (CFBW) na nagbibigay ng organikong pataba.
Ang mga participants ay nakatanggap ng gardening kits bilang kanilang panimula sa organic backyard gardening. (Florelexie Valentin/RSO; MAO)






