Ang Municipal Agriculture Office at Office of the Provincial Agriculturist ay nagsama para sa Corporate Farming Pilot Program ng provincial government sa ilalim ng Corn Banner Program ng Department of Agriculture.
Ito ay sinimulan sa Brgy. Bani na may 22 farmer-cooperators at kabuuang corn production na 20 ektarya.
Inintroduce din ang mga bagong teknolohiya sa pagsasaka katulad ng paggamit ng mga biological control agent upang mabawasan ang pest infestation at paggamit ng kemikal na pestisidyo.
Bukod pa rito, nagbibigay ng farmers class ang MAO at OPAG para sa mga magsasaka ng dalawang beses kada buwan.