Nitong March 11, 2024, nagtipon ang mga LGU department head, Internal Quality Auditor, at Document Control Custodian para sa isang Management Review sa Events Center, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Executive Assistant at Quality Management Representative Carmela Atienza Santillan, at ICTO head Ricky B. Bulalakaw.
Sa pulong ay minonitor, sinuri, at binigyang-pansin ang iba’t ibang isyung lumabas matapos ang Internal Quality Audit alinsunod sa ISO 9001:2015.
Sa Management Review, inaasahang agad na masosolusyunan ang mga issues at concerns kada departamento at mapapabuti ang kalidad ng trabaho at serbisyo publiko. (ni Eduardo P. Sison II/RSO; larawan: JMB)