Iba’t ibang team mula sa mga departamento ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang — kabilang ang MDRRMO, BPSO, Task Force Disiplina (TFD), BPLO, MENRO, at Engineering Office — ang nagsagawa ng malawakang clearing operation at pagtanggal ng mga sirang karatula at illegal signages sa pangunahing kalsada ng bayan.
Ang MDRRMO team, katulong ang CENPELCO, ay nag-focus sa clearing ng mga overgrowth ng punongkahoy sa harapan ng lumang Bayambang Central School bilang paghahanda sa pag-iinstall ng Christmas lights sa lugar.
Pinangunahan ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, ang operasyon laban sa mga eyesore na sira-sirang tarpaulin at mga illegal signages.
Ang Team 1 ay nagsagawa ng paglilinis mula Barangay Telbang hanggang Barangay Nalsian, habang ang Team 2 naman ay nagpatupad ng clearing sa may Malimpec, Amanperez, Bani, Zone 7, Zone 6, Quezon Boulevard, Zone 3, at Magsaysay hanggang Del Pilar area.
Sa isinagawang operasyon, may tatlong truck ng mga sirang karatula ang nakumpiska at kalaunan ay itinurn-over sa ESWMO para sa maayos na disposal.
Sa aktibidad na ito, napanatili ang kalinisan, kaayusan, at magandang tanawin sa kabayanan, bilang bahagi ng tuluy-tuloy na kampanya ng LGU-Bayambang para sa isang disiplinado at maaliwalas na komunidad. (RSO; MDRRMO, BPSO)









