Mahahalagang Usaping Pang-edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting

Sa pulong ng Local School Board (LSB) ng Bayambang noong Abril 30, 2026 sa Municipal Agriculture Conference Room, tinalakay ang mga mahahalagang usapin para sa sektor ng edukasyon sa bayan, kabilang ang pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga paaralan, usapin sa budget para sa mga inilaang programa, pagpapatupad ng Brigada Eskwela, at ang mga panuntunan sa implementasyon ng 3-term school calendar sa basic education. Pinag-usapan din ang nalalapit na enrollment para sa School Year 2026 at ang Summer Aral Program.

Napagtuunan din ng pansin ang mga kahilingan para sa konstruksyon ng karagdagang silid-aralan sa Catalino Castañeda Elementary School at ang paglalaan ng 50 armchairs para sa mga mag-aaral ng Don Teofilo Mataban Memorial School.

Dumalo sa pulong ang iba’t ibang opisyal mula sa sektor ng edukasyon at pamahalaan, kabilang sina Councilor Jan Nazer David Junio, LSB Executive Director Rolando Gloria, Bayambang II PSDS, Dr. Candra Penoliar, at BPC President, Dr. Rafael L. Saygo.

Sa pagtatapos, tinalakay ang iba pang mahahalagang usapin at mga paalala bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Bayambang. (JLT/RSO; JMB)