Pinangunahan ng Information Technology Office ang 4th quarter meeting ng Information Technology – Technical Working Group (IT-TWG) upang talakayin ang mahahalagang paalala, panuntunan, at kaalaman kaugnay ng wastong paggamit at pangangalaga sa information technology resources ng LGU-Bayambang.
Layunin ng pulong na mas mapalawak at mapalalim ang kaalaman ng bawat tanggapan tungkol sa tamang IT procedures at wastong pangangalaga sa iba’t ibang ICT devices.
Ilan sa mga tinalakay ay ang telephone reminders, Network Attached Storage (NAS), IT Service Request Procedure (BYB-ICT-P02), Repair of IT Equipment Procedure (BYB-ICT-P03), basic computer at printer troubleshooting, client satisfaction survey at feedback mechanism, cybersecurity awareness, at iba pang usaping teknikal.
Ginanap ang IT-TWG meeting ngayong araw, ika-11 ng Disyembre 2025, sa SB Session Hall.
Bilang pagpapahalaga sa suporta at aktibong partisipasyon ng mga kasapi ngayong taong 2025, ginawaran ng Certificate of Appreciation at cash prize ang mga nagwagi ng parangal na Most Supportive IT-TWG Member na sina Raymundo Poyaoan ng Municipal Treasury Office (1st Semester 2025 Awardee) at Jason Eric Malicdem – Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (2nd Semester 2025 Awardee). (JLT/KB/RSO; AG, ICTO)








