Mahahalagang Isyu sa Agrikultura, Tinalakay ng mga Pangulo ng mga Samahang Magsasaka sa Bayambang

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office, ang pagtitipon ng mga pangulo ng mga samahan ng magsasaka sa Bayambang para sa kanilang buwanang pagpupulong nitong Abril 27, 2026 sa Balon Bayambang Events Center, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin at updates sa sektor ng agrikultura sa bayan.

Ilan sa mga tinalakay na usapin ay ang updates sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP), paghahanda sa pagtatanim ng palay para sa Wet Season 2026, hauling ng palay seeds, at harvest report sa mais.

Napag-usapan din ang inventory ng farm machineries, mga isyu at alalahanin kaugnay ng pagtaas ng presyo ng gasolina, at iba pang usaping may kinalaman sa sektor ng agrikultura.

Ang naturang pagtitipon ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang mga magsasaka at mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng agrikultura sa Bayambang. (RGDS/RSO; RobC: first 3 photos, JMB)