Magsasakang Bayambangueña, Nagbebenta ng Corn Husk Flower Decors

“Mula sa simpleng balat ng mais, naging magagandang flower decorations.”

Ganito mailalarawan ang mga produktong gawa sa corn husk o pinatuyong balat ng mais na likha ng mga kababaihang magsasaka ng Bayambang, na itinampok ngayong araw, April 13 sa Balon Bayambang Events Center.

Ang mga produktong ito ay bunga ng katatapos na ‘Training on Processing Corn Husk into Novelty Items,’ kung saan natutunan ng mga kalahok na gawing kapaki-pakinabang at pagkakakitaan ang mga materyales na dati’y itinatapon lamang.

Hinihikayat naman ang publiko na suportahan ang lokal na produkto ng mga kababaihang magsasaka sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanilang mga likhang sining, bilang ambag sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan at sa patuloy na pag-unlad ng agrikultura ng Bayambang. (RGDS/RSO; ALC)