MAC, Patuloy ang Pag-asiste sa mga Indigent na Pasyenteng Bayambangueños

Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, patuloy pa rin ang Mayor’s Action Center (MAC) sa pag-asiste sa mga indigent na pasyenteng Bayambangueños sa buwan ng Pebrero.

Isa sa mga pasyente ay isang ginang na may breast cancer na matagumpay na napaopera ng libre sa Region I Medical Center, Dagupan City.

Mayroong 21 na psychiatric patients ang napacheck-up ng libre sa Baguio General Hospital, Baguio City, KOOP Medical Clinic, Agoo, La Union, at Region I Medical Center, Dagupan City.

May tatlong pasyente naman ang natulungan na may warfarin medication at laboratory test sa Philippine Heart Center, Quezon City, apat na pasyente para sa discharge at laboratory test sa Bayambang District Hospital, at walong pasyente para sa CT scan at laboratory test.

May 11 na clients din ang naasistehan sa paghingi ng financial assistance sa DSWD Satellite Office, Malasiqui, Pangasinan at Office of Congresswoman Rachel “Baby” Arenas sa Malasiqui.

Sa kabuuan may 57 na indigent na pasyente ang natulungan ng MAC ngayong Pebrero. (JEN/RSO; MAC)