MAC, Nagkaloob ng Higit P500K na Tulong sa mga Bayambangueño

Patuloy na nagsisilbing tulay ang Mayor’s Action Center (MAC) ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pagbibigay ng mabilis at agarang tulong pinansyal, na nakatuon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residente sa oras ng kagipitan.

Sa pamamagitan ng MAC, umabot sa kabuuang ₱542,000.00 ang ipinagkaloob na tulong pinansyal para sa mga Bayambangueño mula Hunyo hanggang Hulyo 2025.

Sa buwan ng Hunyo 2025, naitala ang kabuuang halaga na ₱337,000.00 na nakapaloob sa medical assistance (₱267,000.00) at burial assistance (₱70,000.00). Umabot sa 234 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong, kabilang ang 51 kalalakihan at 183 kababaihan.

Samantala, noong Hulyo, umabot naman sa ₱205,000.00 ang kabuuang naipamahaging tulong, kabilang ang medical assistance (₱165,000.00), burial assistance (₱20,000.00), at transportation assistance (₱20,000.00). Nakinabang dito ang 135 na claimants, na binubuo ng 34 kalalakihan at 101 kababaihan. (WMC; MAC)